Pages

Tuesday, 3 December 2013

Iwasang Uminom Habang Kumakain


Marami sa atin ang hindi sanay kumain ng walang katabing inumin, (maaaring tubig, juice o anumang inumin). Yung kaibigan ko, pag kumakain kami, talagang hindi sya mag-uumpisang kumain ng walang tubig sa tabi ng plato nya. Kasi baka daw mahirinan sya. Akala ng marami sa atin ay mainam na uminom habang kumakain, pero ang hindi natin nalalaman, nakasasama pala ito sa ating kalusugan, lalo na sa pagtunaw ng ating kinakain.

Napagalaman ng siyensya na sa halip na makatulong ang pag-inom habang kumakain ay nagdudulot pa pala ito ng iba't-ibang uri ng sakit sa ating katawan. Kasi sa tuwing kakain tayo ay nag re-release ng tinatawag na digestive enzyme ang ating sikmura upang tunawin ang pagkain at ng maabsorb ng ating katawan, subalit kapag ito ay nahaluan ng inumin, bumababa ang concentration nito at siyang nagiging dahilan kung bakit may mga pagkakataon na nahihirapan tayong tunawin ang ating kinain, o kaya naman ay "bloated"ang pakiramdam mo pagkatapos kumain. Nagiging sanhi rin ito ng acid reflux na tinatawag. Ang isa pang hindi magandang epekto nito sa ating kalusugan, imbes na maabsorb ng maayos ng ating sistema ang mga "nutrients" na taglay ng ating kinain ay nahahadlangan ito dahil sa ating ininom. Imbes kasi na purong digestive enzyme ang laman ng sikmura mo upang tunawin ang pagkain, nahaluan na ito ng tubig at hindi na sya puro kaya yung bisa nya para tumunaw ay nababawasan.

http://www.indianexpress.com/news/eating-while-driving-could-be-as-risky-as-talking-on-mobile/936000/
Isa pang paraan upang mapaganda natin ang pag gana ng ating digestive system, dapat sa pagkain natin, ano man ang kinakain natin, i-enjoy natin ito. Nguyain mo ng mainam ang pagkain at huwag lang basta mong lulunukin. Akala kasi ng iba, mas mainam kung mabilis kang kumain. Mali. Dapat maglaan ka ng tamang oras kung nais mong kumain upang masiguro mong maayos ang magiging resulta ng iyong pagkain.

Ok lang naman uminom ng tubig, kaya lang dapat at least after 30 minutes bago o pagkatapos mong kumain.Iwasan mo rin ang pag-inom ng malamig na tubig dahil nakapagdudulot ito ng tinatawag na "shock" sa ating digestive system.

Ang pag-inom sa tamang oras at pagkakataon ang isa sa mga paraan upang magkaroon tayo ng malakas at malusog na pangangatawan.

At higit sa lahat, huwag nating kalimutang magpasalamat sa Dios sa mga biyayang ipinagkakaloob Niya sa atin.


No comments:

Post a Comment